What's new

Magresign ako sa work

Erwun

Forum Veteran
Established
Joined
Oct 6, 2015
Posts
3,308
Reaction
666
Points
899
Tama kaya itong balak ko na magresign na lang work?Dahil meron akong mga kasama na naninilip ng kilos ko at nagsusumbong kahit ginagawa ko naman yun part ko at may pagkakatakataon na yun ginagawa ko inaagaw saken para ako ang magmukhang walang ginagawa?Ngayon ko lang naisip magresign sa mga nakaraan kong work hindi,meron din nun mga ganito akong lasama noon pero hindi ganito katindi.Ayoko na lang magreact sa ginagawa nila baka high bloodin pa ko at magkasakit basta gusto ko na lang na hindi makita pagmumukha nila,hanap na lang ako new work at umasa na hindi ganito katindi maging kasama ko ulit.
 
Etong sasabihin ko ay tungkol sa dati naming ka-officemate na nag-resign din. Heto yung scenario nya:
part sya ng isang team, at ginagawa naman nya yung work nya. "Doing his best" ika nga nila. Kaya lang, yung "best" nya, ay hindi ka-level ng mga ka-teammate nya. So ang nangyayari, nadedelay yung project nila. So ang ginawa ng mga ka-teammate nya, kinuha yung mga na-backlog na mga work nya, at tinapos na para makahabol sa deadline. In the end, kailangan na nyang mag-resign.
What's the point of all this? Well, nasubukan mo bang kausapin muna yung mga ka-officemate mo? Baka in your eyes sa tingin mo inaagawan ka nila ng work, pero sa part naman nila is to make sure na productive yung office nyo? This is just my thoughts.
 
Hindi po ako sa office nagqoqork manufucturing prosuction po ako uso sipsipan na hindi ko gawain

Ngayon araw nga po magbaback to work ako at bukas papasok at magpafile na ng resignation letter.
 
Last edited:
Resign na yan.
Pero before ka magresign, file ka report sa HR. I-detalye mo lahat.
Makaganti-ganti man lang bago ka umalis.
It's up to the HR, though, kung magte-take action sila.
 
Hindi po ako sa office nagqoqork manufucturing prosuction po ako uso sipsipan na hindi ko gawain

Ngayon araw nga po magbaback to work ako at bukas papasok at magpafile na ng resignation letter.
Well, if you feel na parang harassment na yung ginagawa nila, better report it na lang. Pero kung toxic talaga yung buong workplace mo, including the admins, then yeah its better to resign.
 
Resign na yan.
Pero before ka magresign, file ka report sa HR. I-detalye mo lahat.
Makaganti-ganti man lang bago ka umalis.
It's up to the HR, though, kung magte-take action sila.
Malabo.Marami nga nanakawan dun sa locker kahit ireport mo walang action.
 
resign na boss. iwas ka sa mga toxic na tao para iwas stress. sana makahanap ka agad ng bagong trabaho.
 
hanap ka muna work sir para sibat na haha pero mag file ka syempre ng resignation sayang mga back pay. ganyan din sakin eh nung nag production operator ako grabe as in parang mga tagapag mana haha
 
Even if you resigned, keep it in your mind na hindi mawawala kahit saan man sa school or sa work ang mga ganyang tao. Kaya ang mas mabuting gawin is i deal mo ang problem mo wag mo takasan. Ito pede mo gawin talk to your superior or sa HR mo i detalye mo mga nangyayari. Kahit mag resign ka pa kung makaka ranas ka pa din sa susunod ng ganyan mauulit lang yan. Sa panahon ngayon pag mahina ka aapakan ka lang matuto kang lumaban.
 
mag resign ka pa kung makaka ranas ka pa din sa susunod ng ganyan mauulit lang yan.
oo nga, baka mas worse pa yung malilipatan niya, kaya need talaga i-evaluate muna nang husto ang bawat decision instead na mag rush, he needs to reflect to himself din baka siya naman talaga ang problem
 
Malabo.Marami nga nanakawan dun sa locker kahit ireport mo walang action.
Hanap ka ng work na malilipatan muna.
Gaya ng sabi ng nasa taas, kung magresign ka. Isama mo sa reason ng pag resign mo kung bakit ka magreresign para HR ang mag decide sa mga kasama mo na gumagawa sayo ng di maganda ka mo.


Nasa abroad kaba nagwowork or sa Pinas lang?
 
Hindi po ako sa office nagqoqork manufucturing prosuction po ako uso sipsipan na hindi ko gawain

Ngayon araw nga po magbaback to work ako at bukas papasok at magpafile na ng resignation letter.
what a coincidence, ganyan na ganyan ang gagawin ko bukas, top agent ako, and CSAT magnet meaning ako yung panakamalaking nakakuha ng incentives, though gradbay palang ako, vs. 2 yrs.tenured agents sa account almost 500+ employees, nagtatama sila, saki, last day sa gradbay namin may nag seat in talaga sakin tatlong Q.A at TL, para mag review ng mgaconvo ko sa customer line by line, if nag follow ba ako sa procedure and chat flow, yung hahanapan ka talaga ng mali kahit okay yung convo ng customer mo.


But their plans fail, instead nag praise nalang sila sakin at goodjob, 1 customer convo long chat, daming reklamo mga complains, refund, escalation, troubleshooting ng equipment at deployment ng engineer sa kanilang lugar (btw telco account eto U.K based) equivalent to pldt & globe here sa pinas. then per csat is equivalent to £5. quota ko minimum 5 csat per whole shift. so £25 daily times 5 (kasi 5 days a week lang pasok) then times 2 for whole quencena roundoff then x2 for whole month. and note: - £2.5 basta DSAT ka, yung 0-5 yung rating ni customer sayo, tabla naman kung 6-8 na ratings and CSAT only 9-10.


toxic na sya, kasi after gradbay last day sa feb. and by month of march until now tinanggal na nila yung £5 per CSAT incentives. so wala ng kwenta. back to minimum wage.

resign nalang.
 
Yes lods tama yan, magresign kana. Kung tatagal ka jan mapapasukan ng toxic ang systema mu mawawala inner peace mu. Lage mung tatandaan lods hindi end of the world ang pagreresign. Wag kang matakot sa sabi-sabi ng mga nagmamarunong na mahirap maghanap ng trabaho. Tyaga lang puhonan lods, ilang beses din akong nagresign, nakakahanap din na man tiwala lang sa Diyos lage. Umiwas ka sa mga masamang tao.
 

Similar threads

Users search this thread by keywords

  1. Hanap trabaho
  2. Dropshipping
  3. wfh
  4. amazon
Back
Top